Kabanata 3481
Nagkatinginan ang lahat nang narinig nila ang mga salita ni Bowen.
Ito ang Longmen Summit—isa dapat itong lugar para makipaglaban hanggang sa magsawa sila.
Bakit sa lahat-lahat ng bagay ay sapilitan silang magpapagaling ng isang tao?
Kahit na ganun, may punto ang mga salita ni Bowen. Kung kaya't walang nagtangkang tumutol sa kanya.
Maski si Fisher ay di napigilang mapakamot ng ulo. Hindi siya sigurado kung dapat ba niyang pakiusapan si Bowen o manatiling tahimik.
Sa kabilang banda, napuno ng galak si Kori. Kaagad na lumipat ang mga mata niya kay Harvey.
Tiyak na hindi makakapasa si Harvey sa ganitong pagsusulit!
Kahit na nagsanay pa ng martial arts si Harvey bang nasa sinapupunan pa siya ng nanay niya, hindi niya matatanggal ang sumpa.
Lalo na't ang underworld ay isang napakamapanganib na lugar na puno ng mga bagay na hindi maunawaan.
Nang maisip ni Kori na ipapahiya ni Harvey ang sarili niya at matanggal sa pagsusulit, sobra siyang nasabik.
"Sige! Magsimula na kayo!

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.