Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Nagkakamali kayo ng InapiNagkakamali kayo ng Inapi
에:: A Potato-Loving Wolf

Kabanata 3547

Nagbago ulit ang ekspresyon ni Jeff. Marami siyang bagay na kaya niyang tanggapin… Pero hindi niya matatanggap ang katotohanang ang lahat ng pag-aari niya ay mapupunta sa dalawa niyang kapatid. Lalo na kay Joseph! Noon, si Joseph ang nag-iisa niyang tagasunod—ang alalay niya. Paano niya matatanggap na si Joseph ang papalit sa kanya? Pagkatapos pag-isipan ang sitwasyon, sa wakas ay isinantabi na niya ang walang kwentang yabang niya at pinakalma niya ang sarili niya Lalo na't mas masama ang kauuwian niya kung hindi. "May tatawagan ako," sabi niya nang may masamang ekspresyon. Ngumiti si Rachel, sabay kinuha ang phone mula sa bulsa niya. Pagkatapos ay may tinawagang numero si Jeff. Isang malamig na boses ang narinig sa kabilang linya. "Anong ipag-uutos niyo, Young Master Bauer?" Nagbago ang ekspresyon ni Jeff bago siya sumigaw, "Ipadala niyo si Mandy Zimmer pabalik ng Hearthstone Corporation ngayon din!" Dahan-dahang tinulak ni Jeff ang baril papalayo sa ulo niya

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.