Kabanata 3754
"Hindi na masama! Matapang ka!" sigaw ni Senior Lee bago tumawa nang malamig.
"Hindi mo lang binugbog ang junior ko, nanghihingi ka pa sa'min ng pera!
"Bakit hindi mo muna tanungin kung paano tinatrato ang mga tao ng Golden Palace?!
"Mambugbog ka ng disipulo sa harapan ko kung kaya mo!"
Pak!
Hindi nagsayang ng oras si Harvey York at sinampal ulit si Pedro Benett.
Isa na namang pulang bakas ng palad ang lumitaw sa kabilang parte ng mukha niya. Umatras siya habang hawak ang mukha niya nang nakitang tumulo ang dugo mula sa gilid ng bibig niya.
Malamig na tumawa si Harvey.
"Sa tingin mo nakakamangha ang Golden Palace?
"Akala mo ba pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo sa Flutwell?
"Sinampal ko siya sa harapan mo. Ano na?"
Kaagad na dumilim ang mukha ni Pedro nang tinakpan niya ang mukha niya.
"Nakita mo, Senior Lee! Tignan mo kung gaano kaarogante ang h*yop na'to! Hindi niya talaga nirerespeto ang Golden Palace!"
"Magaling! Magaling! Matapang ka para hamuni

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.