Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 88

Subalit, sa loob ng puso ni Mandy Zimmer, iniisip niyang tama lang na mapahiya sina Sean Zimmer at Zack Zimmer. Walang intensyon si Harvey York na magpalusot pa habang kumuha siya ng isa pang piraso ng pakwan. “Wala naman, nagtatapon lang ako ng basura, hindi ko kasalanang kasing-baho ng ng isang basurahan ang mga salitang binitawan ng isa diyan.” Kalmadong sagot ni Harvey. “Ikaw…” Bumulong nang galit si Sean habang tinitingnan nang masama si Harvey at pinunasan ang kanyang mukha. Labis na na-offend si Sean, nanginig ang kanyang katawan. “Anong ginawa ko? Ang anak mo ang gumawa ng gulo, na inayos ng asawa ko. Hindi niyo nga pinansin ang kanyang mga effort at binigyan ng pasasalamat na dapat nakuha niya, may lakas pa kayo ng loob na akusahan siyang fina-frame niya ang pamilya. Ang ironic, di ba? Sige, iyong anak mo pala ang humawak nito!” Palaban na sagot ni Harvey kay Sean. “Harvey York, isa ka lang live-in son-in-law, sino ka sa inaakala mo para magsalita sa family meeting namin?

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.