Kabanata 123
...
Pagkatapos maghilamos ni Ling Yiran, muli siyang binuhat ni Yi Jinli pabalik sa kama, at sakto, nakahanda na rin ang mga pagkain.
Kahit na simpleng lugaw lang, na may kasamang ibang mga putahe ang nakahain, sobrang malinamnam ang itsura nito, kaya lalong natakam si Ling Yiran at tumunog ng malakas ang tyan niya.
"Ate, ang sabi ng doktor, dapat yung mga madadaling matunaw muna ang mga kainin mo hanggang sa makarecover ka." Nakangiting sabi ni Yi Jinli.
Maingat na nilipat ni Yi JInli sa tray ang mga pagkain papunta sa maliit na lamesa sa kama ni Ling Yiran.
At kahit sinong makakakita ng ginagawa ni Yi Jinli ay siguradong luluwa ang mga mata nito. 'Si Young master Yi, na tinatawag na diyos ng Shen City, ay nagsisilbi sa isang babae?!!!'
Kinuha ni Ling Yiran ang kutsara at kumain, pero sa tuwing yumuyuko siya, paulit-ulit na dumadampi ang buhok niya sa pagkain.
Kaya kukuha sana siya ng ipit, pero biglang lumapit sakanya si 'Jin', na may dalang ipit at suklay. "Ako na."

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.