Kabanata 130
Tama.... Laro lang pala talaga ang lahat, laro sa pagitan ng isang mayaman at isang mahirap...
'Ito ba yung sinasabi niyang sasabihin niya sa akin kapag nakalabas na ako ng ospital? Magpapakilala siya tapos sasabihing tapos na siyang makipaglaro? '
Habang sobrang kalmado ni Ling Yiran, pakiramdam ni Yi Jinli ay sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito...Nakatayo lang ito sa harapan niya, pero pakiramdam niya sobrang layo nila sa isa't-isa...
"Ikaw ba si Yi Jinli?" Muling tanong ni Ling Yiran. Walang nagbago, sobrang kalmado pa rin ng itsura niya, na para bang naghihintay lang siya ng isang simpleng sagot.
Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung anong nararamdaman niya pero nanginginig ang mga labi niya, at habang nakatitig kay Ling Yiran, hirap na hirap niyang sinabi, "Oo."
'Oo'... Isang salita, dalawang letra, pero sobrang lalim ng ibig sabihin....Sobrang nalungkot si Ling Yiran nang marinig ang salitang ito... Sa totoo lang, medyo sigurado na siya kanina, pero...

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.