Kabanata 154
Hindi na bago kay Ling Yiran ang mga ganung klase ng tao kasi marami talaga siyang kilala na sobrang baba ang tingin sa mga Sanitation worker na kagaya niya at kapag nagalit siya, siya pa ang may kasalanan dahil paharang-harang siya.
"Hayaan niyo na po yun, Manang Xu. Okay lang po ako." Nakangiting sagot ni Ling Yiran bago siya magpatuloy sa pagwawalis. Nang matapos na ang duty niya, nagbihis siya kaagad ng damit para makauwi na siya, pero noong pagkasuot niya ng jacket niya, bigla siyang natigilan nang may makapang parang bracelet sa isa sa mga bulsa niya.
"Ha? kanino 'to at paano 'to napunta sa bulsa ko?" Nagulat si Ling Yiran at dahil nights shift siya, wala na siyang mapagtanungan kaya naisip niya na dadalhin niya nalang ito sa Lost and Found Center bukas.
Pagkauwi niya, sumalubong sakanya ang apartment niya na sobrang dilim at hindi makabasag pinggan ang katahimikan.
Bigla niya tuloy naalala na kapag umuuwi siya noon galing sa night shift, maliwanag ang dadatnan niya dah

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.