Kabanata 174
Para sakanya, sulit naman dahil nabibili niya pa rin ang mga gusto niyang bilhin. Mas mabuti nalang na maging sugar baby siya kaysa maging isang ordinaryong empleyado na walang kakayahang bumili ng mga luxury bags!
Para kay Ling Yiran, bangungot yun!
At ngayong nakita niya si Ling Yiran na nasa parehong restaurant, hindi niya matanggap na ang isang mababang tao na kagaya ni Ling Yiran ay makakatikim din ng mga pagkaing natitikman niya. At higit sa lahat, nakita pa siya nitong may kadate na matabang lalaki!!!
"Mantian, kilala mo ba siya?" Tanong ng pandak at matabang lalaking kasama ni Zhao Mantian.
"Oo. Ex-convict yan at ngayon isa siyang street sweeper!" Walang kapre-prenong sabi ni Zhao Mantian, sabay tingin sa manager. "Kailan pa pumayag ang Royal Court na magpapasok ng isang street sweeper?"
Nakatalikod si Yi Jinli kay Zhao Mantian kaya hindi nito nakikita ang reaksyon niya.
Pero kitang kita ng manager ang lahat!
Kaya sobrang nanginginig ito sa takot at nangangati na

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.