Kabanata 186
"Hindi ka ba natatakot na baka gantihan ka nila kapag pinakawalan mo sila?"
Hindi sumagot si Ling Yiran dahil naisip niya na rin ang sinabi ni Yi Jinli at hindi ito nagkakamali, lalo na at ugali talaga ng mga tito niya na imbes na magpasalamat ay manunumbat pa.
"Wala akong pakielam sakanila. kaya kong matulog ng mahimbing kahit pa maraming galit sa akin." Kalmadong sagot ni Ling Yiran.
Pero hindi nagustuhan ni Yi Jinli ang naging sagot ni Ling Yiran.
"Eh paano naman ako?" Bigla niyang tanong.
"Ano?" Sagot ni Ling Yiran na ilang segundo pa ang lumipas dahil wala siya sa sarili.
Nilapit ni Yi Jinli ang mukha niya kay Ling Yiran at inulit ang tanong niya, "Ang sabi ko, paano naman ako? Hindi mo ba ako iniisip? Hindi ka ba nag-alala kung anong tingin ko sayo?"
Hindi alam ni Ling Yiran kung paano siya sasagot. 'Kung ikiaw siguro si 'Jin', walang pagdadalawang isip kong sasabihing nag-aalala ako sayo, pero ikaw si Yi Jinli....'
"Sa tingin ko wala ka talagang pakielam kung ini

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.