Kabanata 20
Napatingin si Ling Yiran sa likod ng kanang kamay niya. Ang namumulang sinasabi ni 'Jin' ay yung inapakan ni Zhao Mantian kanina.
"Ah.. ito? May nasanggi lang ako kanina habang nagwawalis, " nakangiting sagot ni Ling Yiran dahil ayaw niyang mag-alala si 'Jin'.
"Ah, ganun ba?" Tinignan ni Yi Jinli ng diretso sa mga mata si Ling Yiran, "Ate, kapag may nangbubully sayo, sabihin mo lang sakin ha! Ipagtatanggol kita." Seryoso siyang ipagtatanggol niya si Ling Yiran at tuturuan ng leksyon ang mga taong nang-aapi rito, hanggang balang araw, lahat ay matatakot ng saktan at apihin ito.
Noong sandaling 'yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran. Bakit pakiramdam niya ay alam na alam ni 'Jin' ang nangyari sakanya?
"Kaya kong protektahan ang sarili ko," Sagot ni Ling Yiran
"Paano kung hindi?" Tanong ni Yi Jinli
Paano kung hindi? Alam niyang wala rin namang magagawa si 'Jin' kaya bakit niya pa sasabihin? Ngumiti nalang si Ling Yiran dahil ayaw niyang masaktan at bumaba ang ku

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.