Kabanata 219
Pagkapasok nila sa tent, dahan-dahang nilapag ni Gu Lichen si Ling Yiran sa sofa. Tinignan niya ang kaliwang kamay nito at nagaalalang sinabi, "Masakit ba?"
"Medyo."
Nakakunot ang noo ni Gu Lichen habang tinitignan ang kamay ni Ling Yiran na para bang nararamdaman niya rin ang sakit nito. Alam ni Gu Lichen na sobrang nasaktan si Ling Yiran dahil ngayon niya lang ito nakitang nakakunot ang noo, sobrang namumutla, at halos hindi makapagsalita ng maayos.
Hindi niya alam kung bakit pero nasasaktan din siya para rito.
Kitang kita niya kung paano ito paulit-ulit na lumuhod at gumapang hanggang sa malaglagan ito ng stove sa kamay..... nasaktan siya.... ng sobra...
Kaya hindi na siya nagisip pa at dali-dali na siyang naglakad papunta rito para alalayan itong tumayo.
Bakit niya ginawa yun?
Hindi rin maintindihan ni Gu Lichen kung bakit nag'aalala pa rin siya kay Ling Yiran kahit napatunayan niya ng hindi ito ang taong hinahanap niya.
'Dahil ba maganda siya? O dahil kamukhang kam

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.