Kabanata 238
“Wala pang nakakahanap ng brand ng suot niyang scarf at gloves. Sabi ng iba ay handmade customized ang mga ito mula sa isang malaking brand.”
Pinaguusapan ito ng ibang katrabaho ni Ling Yiran, at ang tanging magagawa niya lang ay pakinggan ang mga ito. Hindi niya alam ang mararamdaman ng mga ito kapag nalaman nilang siya ang gumawa ng mga ito.
Pero, pagkatapos makita ni Xu ang scarf at glove ni Yi Jinli, hindi niya mapigilang sabihin na, “Kamukha ng ginagawa ni Ling Yiran dati yung gloves.”
Lagi kasi pinapanuod ni Xu si Ling Yiran noong ginagantsilyo nito yung gloves. Nagpatulong pa nga ito sa kanya nung di na ito makausad. Sigurado si Xu sa naalala niya.
Pero, pagasabi niya nito, pinagtawanan siya.
“Ate Xu, marunong nga si Lin Yiran maggantsilyo ng gloves, pero mapapasuot niya ba ito kay Yi Jinli?”
“Ang sinusuot lang ni Yi Jinli ay mga ginantsilyo ng mga master designers. Paanong magsusuot ito ng isang galing sa sanitarian service worker?”
“Hoy, may sinasabing biro si Xu!”
Pag

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.