Kabanata 271
Namula ang ilong nito at nagsimula ulit siyang umiyak.
“Kung gusto mo umiyak, iiyak mo lang, Ate,” ipinadaan nito ang daliri niya sa mga mata nito.
Ang salitang ‘ate’ ay parang naging isang susi, nilabas nito ang lahat ng sakit at pighati na nakatago sa puso niya.
Hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya ngayon kaya napahagulgol si Ling Yiran.
Ang tagal na niyang hindi umiiyak nang ganito. Narealize niya na kahit anong lakas at dami ng iyak niya, wala itong kwenta. Wala siyang maasahan kundi ang sarili niya. Walang kwenta ang mga luhang ito.
Ngayon, pagkarinig niya ng ‘ate’ naalala niya ang kanyang nanay at ang kapatid niya dapat na lalaki na nasa sinapupunan nito pero hindi ito naipanganak para matawag siyang ‘ate’.
Kung hindi namatay ang nanay at kapatid niya, hindi kaya siya magiging ganito kalungkot? Magkakaroon ba siya ng totoong pamilya?
Nagulat si Yi JInli dahil sa pag-iyak ni Ling Yiran. Kung nalulungkot siya sa tuwing napapakagat labi ito habang tahimik na umiiy

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.