Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 327

Gayunpaman, nakuha ni Yi Jinli ang kanyang braso. Sa ilang sandali, isang yakap ang sumalubong sakanya. Hindi niya namamalayang gusto niyang kumalas sa mga braso ni Yi Jinli, ngunit ang mga kamay nito ay mahigpit na nakasara at hinahawakan pa siya palapit. “Isang magandang gabi sa’yo, Ate!” bulong ni Yi Jinli habang ang labi niya ay malapit sakanyang tenga. Nanginig nang bahagya si Yiran, at naramdaman niya ang hininga nito sakanyang tenga. Para bang ang buong katawan niya ay sinakop ng hininga ni Yi Jinli. “Ikaw…bitawan mo ko.” Sabi ni Ling Yiran, namula ang kanyang mukha. “Bakit hindi mo muna ako kwentuhan tungkol sa unang araw mo sa trabaho?” tanong ni Jinli. “Wala naman…isang regular na trabaho na tigahatid ng pagkain. May mag oorder ng kung ano, at hinahatid ko lang ito sakanila.” Sabi niya, pakiramdam niya pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Kahit na ang pag-agos ng kanyang dugo ay mas mabilis. “Ah ganun ba? Nakakain ka ba ng masarap ngayong araw?” ang boses ni

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.