Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 348

Natapos na ang tawag at sinabi ni Ling Yiran, “Anong sabi ni Tita sa’yo? Parang inis na inis ka at nasabi mo pa ang pagluhod mo sa keyboard.” “Ano pa ba ang sasabihin niya? Edi gusto niya akong ipag-blind date.” Sabi ni Qin Lianyi habang siya ay umirap. “Sabi ng nanay ko okay daw tong lalaki na ‘to. Nakayanan niyang kuhain sa mga tita ko para ako ang mauna sa pila.” Wala nang nasabi si Qin Lianyi sa mga iniisip ng nanay niya. Para bang iniisip niya na kapag hindi pa siya nagpakasal sa susunod na dalawang taon, baka hindi na siya ikasal habang buhay. “Edi puntahan mo at kilalanin. Isipin mo nalang isa ‘tong oportunidad.” Sabi ni Ling Yiran pagkatapos isipin ito nang isang saglit. “Ayoko, ilang beses na ako nabigo. Baka mabaliw na ako kapag nakipag blind date pa ako ulit.” Gustong sumuka ni Qin Lianyi ng dugo kada naiisip niya kung paano siya kulitin ng nanay niya para makipag blind date. “Bakit? Mayroon pa bang iba?” tanong ni Ling Yiran. Tiningnan ni Qin Lianyi ang kanyang bestf

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.