Kabanata 380
Kumuha si Yi Jinli ng pagkain, binigay ito sa kanya at sinabing, "Kung gusto mong malaman kung saan nakalibing ang nanay mo, kainin mo muna 'to."
Mapula at maga ang mala-almond na mata ni Ling Yiran nang tumingin siya nang may pagkagulat.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin... "Alam mo kung saan nakalibing ang nanay ko?"
"Sasabihin ko sa'yo 'pag naubos mo 'to." Sabi niya.
Nang marinig ito ni Ling Yiran, bigla siyang ginanahan. Kinuha niya ang pagkain sa tray at nagsimulang kumain.
Nalungkot si Yi Jinli. Hindi ito sanay na makita siyang kumakain na parang halos mabulunan na sa pagmamadali.
Dahil dito, nalaman niya kung gaano ka-importante sa kanya ang puntod ng nanay niya.
Kumunot ang noo ni Yi Jinli at tiningnan nito ang luha na tumutulo sa mukha ni Yiran. Mas pumula at nagmaga ang mga mata nito kumpara nung huli silang magkausap.
Umiyak na naman ba siya habang wala ako?
"Bagalan mo lang ang pag kain. Kahit sa North o South pole pa nilibing ng tatay mo ang nanay mo, dadalhin kit

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.