Kabanata 652
Tumingin si Yi Jinli kayla Gu Lichen at Hua Lifang, at parang nagliwanag ang mga mata nito. Kasabay ng bahagyang pag-ngiti, nilagay niya ang kamay sa balikat ni Ling Yiran at sinabi nito kay Gu Lichen, "Hindi ko inaasahang makikita kita dito, Lichen."
Lumingon si Gu Lichen kay Yi Jinli. "Hindi kita nakita nang ilang araw."
Si Third Aunt, na magsusumbong na sana sa anak niya ng mga hinanakit nito, ay nagulat din dito. At nagtanong ito na para bang wala siyang kaalam alam, "Magkakilala kayo?"
At tinignan ulit ni Gu Lichen si Yi Jinli na parang napaisip ito. "Hindi ba nila alam kung sino ka?"
Sumagot si Yi Jinli, "Hindi siguro. Hindi naman ako ganun ka sikat katulad mo, pero medyo napapaisip ako. Bakit ka nandito at..." Napatingin ito kay Hua Lifang na nakatayo sa tabi ni Gu Lichen. "Kasama mo ang babaeng ito? Nung sinabi nila na ang babaeng 'to ay may malakas na backup, ikaw siguro ang tinutukoy nila."
Nag-iba ang mukha ni Gu Lichen nang mapatingin ulit ito kay Ling Yiran na nakasuo

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.