Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 659

Tinatanong ni Gu Lichen ang sarili, 'Ano 'tong tinitignan ko? 'Di ba si Hua Lifang na nga ang taong matagal kong hinahanap?' Ang taong sumalba sa buhay niya ay si Hua Lifang, at base sa imbestigasyon niya, si Hua Lifang ay nahirapan sa buhay nitong mga nakaraang taon. Ang kailangan niyang gawin ay alagaan si Lifang nang maayos at bigyan si Lifang ng magandang buhay kapalit ng pagsalba nito sa kanya. Pero, pagkatapos niyang mahanap si Lifang, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya kumpleto at para bang may nawala sa kanya. "Anong tinitignan mo, Lichen?" nagsalita si Hua Lifang. Lumingon si Gu Lichen para tignan si Hua Lifang na papunta sa kanya. Nilapitan niya ito at sinabi, "Wala naman, uuwi na din ako. Tawagan mo nalang ako kung magkaproblema man dito." "Uuwi ka na ba ngayon?" Parang ayaw pa ni Hua Lifang na umuwi ito. "Gabing-gabi na. Bakit hindi ka nalang dito matulog at bukas ka na umuwi. May mga kwarto pa namang bakante dito na pwede mong tulugan." "Hindi na, okay lang. May mg

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.