Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 678

Paulit ulit niya itong tinapik bago nagsalita at sinabi, "Wag ka nang matakot. Wag ka nang matakot. Hindi ka na babangungutin. Dito lang ako sa tabi mo." Hindi alam ni Jin kung matatawa siya o maiiyak. 'Bata ba talaga ang tingin niya sa'kin?' Pero, para bang nawala ng unti-unti ang takot niya dahil sa pag tapik sa kanya at sa malambing na boses nito. At doon na nga siya nakatulog. 'Dito ka lang sakin...' Pakiramdam niya kapag katabi niya ito, hindi siya matatakot. Hindi akalain ni Yi Jinli sa sarili niya na ganun kabilis siyang makakatulog ulit. Nang marinig ni Ling Yiran ang paghinga niya, napatigil siya at tinawag ito nang mahina, "Jin?" Nakatulog na nga ito and hindi na sumagot sa kanya. Napahinga nang maluwag si Yiran. Nakatulog na nga siya, hindi na rin nakakunot ang noo niya tulad kanina. Mukha siyang anghel sa pagtulog niya-tahimik at mabait. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa tuwing nasa harap siya ng ibang tao. Siguro, kay Yiran lang siya nagmumukhang anghel.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.