Kabanata 683
"Bakit gusto mong pumunta dito?" tanong ni Yi Jinli.
"Nung bata pa 'ko, lagi akong naglalaro sa burol na 'to. Kahit na hindi kami pinapayagan maglaro dito dahil sabi ng matatanda delikado daw, tumatakas pa rin ako paakyat dito. Pakiramdam ko kasi para akong naglalakbay sa burol na 'to.” sabi ni Ling Yiran
Sa kabilang banda, si Hua Lifang naman ay ayaw na ayaw pumunta dito.
"Lahat ng bata ginagawa 'yan," sabi ni Jin.
"Dati, akala ko makakahanap ako ng sikreto sa burol na 'to. Halimbawa, mga kayamanan, alien, spaceship, o baka makakita ako ng lagusan papunta sa future. Ang kulit ko ba? sabi ni Ling Yiran.
Siguro sa mata ng isang nakakatanda, hindi kalakihan ang burol na 'to kahit na karugtong siya ng bundok sa likod nito. Pero, sa mata ng mga bata, para itong panibagong mundo.
"Hindi, natutuwa nga ako eh. Pero, malaki ka na ngayon. Isa na lang 'tong simpleng burol, di ba? Oh siya halika na, gumagabi na. Nag-aalala ako na baka masyado na tayong gabihin pagbalik natin sa Shen City,"

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.