Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 692

"May nangyari kanina nung bumibili ako ng mga libro sa bookstore. Tapos, nakita ko si Gu Lichen," sinabi ni Ling Yiran nang hindi siya nagtatago. Dahil ayaw niya rin naman na iba pa ang magsabi kay Jin at magalit pa ito sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya. "Tapos ano nangyari?" "Kinukuhanan ako ng video ng mga tao gamit ang cellphone nila at marami ring tao ang nakikitingin. Dinala lang ako ni Gu Lichen sa kotse niya para tulungan ako makaalis doon. Tinigil niya din yung kotse nung nakalayo na kami ng konti sa bookstore, dahil nagkita ulit kami ni Lianyi." Sinabi niya ang lahat ng detalye sa nangyari kanina. "Jin, ayokong may iba ka pang isipin. Nagkataon lang talaga na napadaan doon si Gu Lichen kanina," sabi ni Ling Yiran. Kung meron man siyang ibang nararamdaman kay Gu Lichen, yun ay dahil lang sa pag-iisip niya sa mga panaginip niya. Medyo nag-iba ang tingin ni Yi Jinli, tapos tinaas niya ang kamay niya para yakapin si Yiran. "Hindi ako mag-iisip ng kahit ano kasi alam ko

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.