Kabanata 88
Hindi pa man din natatapos si Xiao Ziyi sa pagbabanta niya, nang muling magsalita ang lalaki. "Ah. So ikaw pala talaga yan."
Pagkatapos, tumingin ito sa mga kasama nito. "Lumpuhin niyo yung kanang paa niya. Dito sa video, yun yung ginamit niyang pampatid dun sa babae."
"Ha? A...anong ibig sabihin nito?!"
Halos maihi na si Xiao Ziyi sa sobrang takot. 'Mukhang hindi lang basta-bastang blackmail 'to ah..."
Hindi nagtagal, isang malakas na tili ang umalingawngaw sa loob ng private room...
Pagkagising ni Ling Yiran kinabukasan, wala na siyang lagnat kaya nakangiting sinabi ni Yi Jinli, "Buti nalang at wala ka ng lagnat, ate. Kasi kung nagkataon, dadalhin na kita sa ospital ngayon.
"Ni...nilagnat ako kagabi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ling Yiran.
"Oo, at ang dami mong sinabi habang natutulog ka." Natatawang sagot ni Yi Jinli.
"Ha? A..ano yung mga sinabi ko?" Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ni Ling Yiran. 'Wala naman siguro akong nasabing hindi dapat no?'
"Hmm

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.