Kabanata 25
Ngumiti ako nang ilang. “Ganun pala. Sasabihan ko ang kapatid ko kung gaano ka kabait sa'kin pagpunta niya rito at sasabihan ko siyang ilibre ka ng masarap na hapunan.”
Pagkatapos mag-isip sandali, pakiramdam ko ay hindi maituturing na espesyal ng isang kagaya ni Logan ang isang hapunan.
Mabilis kong tinama ang sarili ko. “Hindi pala. Sasabihan ko ang kuya ko na wag makipagkumpetensya sa'yo at hayaan kang makakuha ng magagandang proyekto.”
Lumalim ang titig ni Logan. “Ganito mo ba balak magpasalamat sa'kin?”
Sandali akong natulala sa tanong niya.
Pagkatapos, ngumiti si Logan at hinaplos ang ulo ko, na para bang nagpapatahan siya ng bata. “Hindi mo kailangang mahiya sa'kin. Tutulungan pa rin kita sa kahit na anong tungkol sa'yo kahit na hindi para sa kapatid mo.”
Sa pagtataka, nagtanong ako, “Bakit?”
Malokong kumurap si Logan sa'kin. “Nakalimutan mo na ba? Ako si Woody mo.”
Takang-taka ako. Gayunpaman, parang ayaw nang magpaliwanag ni Logan at umalis ng kwarto pagkatapos ng i

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.