Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 35

Dumilim ang ekspresyon ni Logan nang nakita niya akong dumugo. Tumingin siya kay Porter—na nangangati pa ring lumaban—bago sumenyas sa lalaki sa tabi niya. Sa sandaling iyon, ang nakita ko lang ay isang malaking aninong tumakbo mula sa tabi ni Logan at sinampal si Porter nang ilang beses bago siya sinipa nang malakas. Kasama ng mga tao si Porter kanina habang sumisigaw na pagbabayarin niya ako. Pero ngayon, kaagad siyang nailigpit pagkatapos ng mga atakeng iyon. Bumangon siya at susugod na sana ulit sa'kin hanggang sa nakita niya ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Namutla ang mukha niya at nanginig ang labi niya. “M-Mr. Wood?” Tinitigan siya ni Logan. “Sinaktan mo ba siya?” Hinawakan ni Porter ang mukha niya at mukha siyang agrabyado. “Nauna ang baliw na babaeng yan! Ayan oh, tignan mo…” Lumapit siya at sinubukang ipakita kay Logan ang mga sugat niya. Lumingon palayo si Logan sa pandidiri. Samantala, tinitigan nang masama ng malaking lalaking sumugod kanina ang mga tao

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.