Kabanata 1046
Bakit naka off ang phone ni Avery? Nadeadbatt ba siya?
Ang sabi niya kukunin niya lang ang regalo na binili niya para sa akin? Magdadalawang oras na, bakit hindi pa rin siya bumabalik?
Noong hindi talaga makontak ni Elliot si Avery, sinubukan niyang tawagan ang bodyguard nito.
Sumagot naman ito kaagad.
“Hindi ko po narinig na nag ring ang phone ni Miss Tate! Nandito po kami sa ospital ngayon, pero wag po kayong mag alala kasi wala naman siyang sakit. May pasyente lang siya na inadmit.”
“Sino?” Nagtatakang tanong ni Elliot.
Hindi alam ng bodyguard kung paano siya sasagot. “Hindi ko po pwedeng sabihin, pero lalaki.”
“Kahit na hindi mo sabihin sa akin, malalaman at malalaman ko rin kung sino yan.” Naiinis na sagot ni Elliot. “Sino?”
Napalunok ang bodyguard sa sobrang takot at pautal-utal na sumagot, “Ti..tinawag niyang A-Adrian White yung pasyente.”
Nang marinig ni Elliot ang pangalan ni Adrian, biglang nagbago ang mood niya. Kinancel ni Avery ang date nila para puntahan si

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.