Kabanata 125
Kinuha ni Avery ang kanyang telepono at tinawagan si Cole.
"Hello? Avery?" sagot ni Cole.
"Patay na si Cassandra. Alam mo ba 'yon?"
"Ano?! Anong ibig mong sabihin na patay na siya?! Nasa ospital ako ngayon para magpatingin...Maayos lang siya kanina nang nakausap siya sa telepono kagabi-"
"Nag-away ba kayo?"
"Hindi!" sigaw ni Cole.
Ilang segundo ang lumipas, halos may naalala siyang kung ano, dagdag niya, "Naalala ko na. Nandito si Cassandra nang umuwi si Tito Elliot sa bahay para maghapunan 'nong nakaraan. Hindi naging maganda ang gabi 'non. Sinabihan siya ni Tito Elliot na wala na siyang oras para mabuhay, at natatakot siya simula 'nong pag-uusap na iyon-"
"Imposible! Kasama ko si Elliot buong gabi. Wala siyang ginawa na kahit ano!"
Bumuntong hininga si Cole, tapos ay sinabi, "Bakit ba nawawala ang lahat ng rason mo sa tuwing kasali si Tito Elliot dito? Sinasabi ko lang ang alam ko. Ikaw lang ang sinabihan ko nito. Kung tatanungin ako ng mga pulis, hindi ko ito babanggitin...

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.