Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 144

Nakatanggap ng tawag si Avery kay Fred ng alas dos ng hapon. "Gusto nilang makipagkita sa atin para pag usapan ang pagbili ng property, Avery. Anong oras ka pwede? Meron ka na bang nakahandang proof of assets? Nagkakahalaga ng walong milyong dolyar ang building sa kasalukuyan." Nabigla si Avery sa mga sinabi ni Fred. "Hindi ba’t sa kalahating halaga lang niyon ibinenta ang Tate Tower noon?" "Oo nga, pero maganda ang lokasyon ng property. Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga property sa mga nakaraang taon, malamang, tataas din ang presyo niyon." "Sige. Abala ako ngayong araw. Bukas natin sila kitain!" "Sige, aayusin ko ngayon." Nangako si Avery na makikipagkita siya kay Tammy sa hapon. Ang dalawang magkaibigan ay nanatiling may ugnayan sa loob ng mga lumipas na taon. Hindi sila gaano nag uusap, pero nanatiling matibay ang pagkakaibigan nila. Pumasok si Tammy sa restaurant kung saan nila napag usapan ni Avery habang may dalang palumpon ng pulang rosas. Nang makita nila

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.