Kabanata 254
"Pasensya ka na, Doktora Sandford," sabi ni Elliot habang agad niyang
kinalma ang mga ugat niya. Bumalik siya sa talagang malamig na sarili niya
at dinagdag, "Pagkakamali ko ang nangyari kagabi, kailangan ko munang
kumalma ngayon."
Umalis siya sa silid nang sinabi iyon.
Nanigas si Zoe sa kinatatayuan. Akala niya ay mapapaamo siya sa mga luha
niya, at yayakapin siya ni Elliot sa mga bisig niya para aluin siya.
Anong nangyari at bigla na lang siya naging malamig? At umalis ng ganoon
lang?
Hindi siya ganito kagabi kasama si Avery.
Pinunasan ni Zoe ang mga luha sa kanyang mukha. Kahit na wasak ang puso
niya kagabi, ang mahalaga ay mayroong positibong kinalabasan para sa kanya.
Tumingin siya sa kanyang phone at tinipa ang numero ni Cole.
"Nagtagumpay ako," ani Zoe. "Binabati kita, Doktora Sandford! Balitaan mo
ako kung may maitutulong pa ako. Nandito lang ako para sa'yo," natatawang
sabi ni Cole.
Naging mapait ang puso ni Zoe nang marinig niya ito mula kay Cole. Kahit
kalahati lang s

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.