Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 270

‘Sabay talaga sila ng birthday? Grabe namang coincidence yun.’ Hinawakan ni avery ang kamay ni Hayden at sabay silang naglakad palabas ng classroom. Pero pagkarating nila sa may pintuan, biglang may isang matangkad na lalaki ang humarang sa daanan nila. Nakasuot si Elliot ng itim na coat. Hindi sigurado ni Avery kung siya lang ba pero parang pumayat ito sa paningin niya. Medyo nag’alangan siya noong una pero bandang huli ay nagdesisyon siyang batiin ito, pero noong magsasalita na siya, biglang tumakbo si Shea papalapit kay Elliot at yumakap. “Kuya, ito ang cake mo!” Nang marinig ni Avery ang sinabi ni Shea, gulat na gulat siya. ‘Kuya? Bakit tinawag ni Shea na kuya si Elliot?’ Halatang halata sa mukha ni Avery na naguguluhan siya sa nangyayari. Naramdaman ni Shea na nakatitig sakanya si Avery kaya tinignan niya rin ito pabalik. Nang makita niyang nakakunot ang noo nito, natakot siya. Gusto niya sanang alukin si Avery ng cake pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.