Kabanata 2827
Agad niyang inapakan ang preno, pero hindi nagmenor ang nasa likod niyang sasakyan.
"Baam!"
Dahil ng pagbangga ng sasakyan sa likod ni Layla, tumalbog ang kanyang sasakyan sabay sumabog ang airbag.
Gulat na gulat si Layla. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya.
Makalipas ang ilang sandali, may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan at binuksan ang driver’s seat.
Nang makita nito na nakapikit siya, nagpapanic itong hinila siya palabas.
"Miss, okay ka lang ba? Pasensya ka na! Hindi sinasadya ng asawa ko na mabangga ka. Hindi niya kasi inaasahan na hihinto ka… May ilang segundo pa naman kasi bago mag stop kaya kayang kaya mo pa sana makapasok.” Humihingi ng tawad ang babae kay Layla pero sa tono nito ay parang sinisisi pa siya nito.
Naramdaman ni Layla ang patak ng ulan kaya nagmamadali niyang itinulak ang babae palayo para kunin ang payong niya mula sa driver’s seat at tumawag ng pulis.
Matapos ipaliwanag ang pangyayari, tumawag naman

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.