Kabanata 2829
Muling nagsalita si Layla, “Kailangan kita sa tabi ko just in case sumakit ang ulo ko sa kalagitnaan ng gabi.”
Naintindihan naman ni Eric ang katwiran ni Layla, kaya pinag isipan niya ito ng maigi at mga ilang segundo rin bago siya nakasagot, “Ikaw na sa kama, ako na sa sahig.”
Pumasok si Layla sa loob ng kwarto ni Eric at isinara ang pintuan. “Ano pa bang inaarte mo jan? Kahit nga sina Mommy at Daddy, wala ng tutol sa atin. Ay mali! Lahat ng mga kamag anak ko! Darating rin naman talaga tayo sa punto na magtatabi tayo sa kama, diba? Pero wag kang mag alala, hindi naman kita pagsasamantalahan habang mahina ka pa.”
Inilapag ni Layla ang unan niya sa tabi ng unan ni Eric.
Hindi niya alam kung paano siya magrereact, pero tama naman si Layla.
Mulanang ibinigay niya ang susi ng bahay niya kay Layla,hinanda niya na rin ang sarili niya na ito na talaga ang makakasama niya habambuhay.
“Sasabihin ko sayo ang totoo.” Hinawi ni Layla ang kumot at humiga sa kama ni Eric. “Nahihirapan akong

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.