Kabanata 583
Medyo matagal bago sumagot si Elliot, “Naikwento niya na ba kay Avery ang nangyari?”
“Hindi. Mukhang wala pa siyang balak sabihin kay Avery sa ngayon.”
“Bakit naman?” Nagtataka rin si Elliot kung bakit siya gustong makausap ni Tammy.
Hindi talaga kayang maglihim ni Jun kay Elliot kaya walang pagdadalawang isip niyang sinabi ang totoo. “Pinuntahan ka ni Tammy para sabihin sayo na baka may problema ang baby niyo ni Avery kasi bago ka niya puntahan, nanggaling sila sa ospital.”
Napalunok si Elliot ng matindi sa sobrang gulat.
“Sa tingin ko sobrang nagaalala lang si Tammy para kay Avery kaya ganun siya kadesperadong makita ka.” Pagtatanggol ni Jun kay Tammy. “Hindi naman siya masamang tao.”
“A-alam ko.” Utal na sagot ni Elliot bago niya ibaba ang tawag.
‘May… may problema ang baby namin? Ba…bakit hindi sakin ‘to sinasabi ni Avery? Kung hindi pa ako pinuntahan ni Tammy, hindi ko ‘to malalaman… diba?’
Halos hindi makahinga si Elliot habang pinipilit niya ang sarili niya na maglaka

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.