Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 590

Hindi inaasahan ni Chelsea na hanggang kahuli-hulihan ay ipagtatanggol pa rin ni Elliot si Avery. Pakiramdam niya ay sobrang napahiya siya kaya bigla siyang umiyak sa harapan ni Elliot. Nagmamadali namang pumasok si Chad para hilain palabas si Avery. “Hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot si Chelsea. Ihahatid na kita sa baba.” Nahihiyang paliwanag ni Chad. “Okay lang.” Hinawi ni Avery ang kamay ni Chad at naglakad siya papunta sa elevator. Nabigla lang talaga siya. Sinadya niya si Elliot sa Sterling Group para lang sana komprontahin ito sa nangyari kay Tammy. Hindi niya naman plinano na sampalin ito. Oo, pinilit siya ni Elliot, pero hindi pa rin dapat siya pumayag! Kilala niya si Elliot na mabilis uminit ang ulo kaya nga palagi silang nag aaway, pero kahit kailan, hindi siya napag buhatan nito ng kamay. Paglabas niya ng elevator, dumiretso siya sa sasakyan niya at nag drive pabalik sa Tate Industries. Habang nasa highway, tumawag si Tammy na sinagot niya naman kaagad.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.