Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 627

Umiling si Zoe. "Hindi ko nakita, dahil sa oras na bumalik ang ulirat ko, wala na ang mga mata ko! Sobrang sakit nito na gusto kong mamatay! Narinig ko si Avery na sinasabing ito ang dapat sa akin. Malinaw kong narinig 'yon! Elliot, hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Walang wala na ako ngayon! Hindi na ako makakapagsinungaling sa'yo!" "Boses niya?" napatigil si Elliot. "Sigurado ka ba na hindi mali ang dinig mo?" "Imposible! Hindi ako nagkakamali, dahil sobra ko siyang kinamumuhian!" humigpit ang hawak ni Zoe sa mga kamay ni Elliot na parang lifeboat ang hinahawakan niya. "Elliot, hindi ko susubuking magsinungaling sa'yo, malalaman mo rin naman kaagad kalaunan! Nagmamakaawa ako sa'yo, nagmamakaawa ako. Minsan na rin tayong nagkarelasyon, pakiusap maawa ka sa akin..." Tumingin si Elliot sa nanginginig na mga labi at maputlang mukha ni Zoe. Sobrang bigat ng puso niya. Sinasabi ng sarili niya na hindi nagsisinungaling si Zoe, pero isang boses pa sa isipan niya na nagpapaalala sa kanya

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.