Kabanata 664
Hindi nagustuhan ni Avery ang pangingielam ni Ben. “Ben, labas ka dito.”
“Noong sumugod si Tammy samin at nagsisigaw na parang baliw para ipagtanggol ka, ginayan ba siya ni Elliot?” Pasinghal na sagot ni Ben.
Sa sobrang inis ni Avery, bigla siyang nablangko.
Pumunta lang naman siya sa mansyon ni Elliot para magpaliwanag at sabihin na maniwala man ito sakanya o hindi, wala siyang pagsisisihan kasi hindi naman talaga siya ang babaeng nasa video.
Pero paano niya pa sasabihin yun ngayon? Lalo lang siyang magmumukhang nakakatawa.
Paano naman si Tammy?
Palagi nalang siyang pinagtatanggol ni Tammy at kahit hindi ito nagsabi sakanya, hindi na siya magtataka na talaga ngang pinuntahan nito si Elliot para ipagtanggol siya at base sa trato sakanya ni Ben ngayon, hindi ito kumbinsido at kung ganun, bakit pa siya mag aaksaya ng oras para magpaliwanag kung wala rin namang makikinig sakanya.
“Kung naniniwala talaga kayo na ako yung babae sa video, bahala kayo. Kalimutan niyo nalang na pum

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.