Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 762

Pero alas onse na ng gabi, at kung talagang may plano si Elliot na pumunta, dapat doon na siya dumiretso kanina. “Avery, magpahinga ka na muna siguro.” Tinignan ni Mrs. Cooper nag oras at nagpatuloy, “Mabait na baby naman si Robert kaya kapag umiyak siya, titimplahan ko nalang siya ng gatas.” “Sige, salamat. Ako naman bukas ng umaga.” Pagkatapos magsalita, naglakad si Avery papunta sa master’s bedroom. Mas kalmado na ang pakiramdam niya ngayon. Matagal niya ng tinanggap na hindi naman talaga pwedeng makuha ng tao ang lahat kaya hanggat nasa kanya at alam niyang malulusog ang tatlo niyang mga anak, kuntento na siya. Pagkarating niya sa kwarto niya, hindi naman siya makatulog. Kampante naman siya kay Mrs. Cooper na hindi nito papabayaan si Robert kaya inasikaso niya nalang yung trabahong naiwan niya bago siya manganak. HIndi naman nagmamadali ang pasyente kaya nagkasundo sila na aasikasuhin niya ito pag nakapanganak na siya. Kinuha niya ang chart nito mula sa drawer para pa

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.