Kabanata 817
Hinawakan ni Elliot ang braso ni Avery at hinila ito papasok sa loob ng mall nang hindi nagsasalital.
Naintindihan kaagad ni Avery kung anong gusto nitong mangyari.
“Elliot, ayoko ng regalo. Gusto ko ng umuwi!” Pinilit ni Avery na magpumiglas, pero masyadong mahigpit ang hawak ni Elliot kaya hindi siya makapalag.
“Bakit yung kay Eric hindi mo tinanggihan?” Sagot ni Elliot. “Bakit yung kanya pwede mong tanggapin pero palagi kang umaayaw pagdating sa akin?”
Akala ni Avery ay nagkamali lang siya ng dinig. Hindi siya makapaniwala na ang isang Elliot Foster ay magiging ganun kaisip bata.
Noong nakita ni Eric na pinipilit ni Elliot si Avery, nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa dalawa.
“Bakit mo kami sinusundan?” Tinignan ni Elliot si Eric ng masama. “Nakalimutan mo na bang artista ka? Hindi ka ba natatakot na may makakilala sayo? Idadamay mo pa kami ni Avery sa kalokohan mo!”
Natigilan si Eric at bandang huli ay bumalik nalang siya sa loob ng sasakyan ni Av

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.