Kabanata 829
“Kahit na hindi niya pa naiintindihan, hindi ka ba nahihiya?”
“Kung nahiya ako, hindi ko siya nabuo.” Namula si Avery sa naging sagot ni Elliot. Nagmamadali siyang nagbihis at pumunta sa CR.
Sa baba, nagkwekwentuhan sina Tammy at Layla habang nagmemerienda.
“Ayaw ba akong makita ng Daddy mo? Mula noong dumating ako, hindi na siya lumabas ah.” Asar ni Tammy.
Umiling si Layla. “Siyempre, gusto ka ng Daddy ko! Siguro ponapanuod niya lang si Mommy habang natutulog.”
“Bakit niya pinapanuod? Hindi ba siya natatakot na baka magising niya ang Mommy mo?”
Napakamot nalang si Layla ng ulo niya. Gusto pa sana niyang ipagtanggol si Elliot pero wala siyang maisip na maisagot.
Sakto, dumating na din si Avery.
“Tammy, kanina ka pa? Medyo napagod ako kahapon kaya napahaba ang tulog ko.” Paliwanag ni Avery habang naglalakad papalapit kay Tammy.
“Nanuod lang naman kayo ng fireworks, diba? Bakit ka napagod?” Ngumiti si Tammy na halatang nangaasar. “Anong nangyari dun kay Elliot? Iniiwasan n

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.