Kabanata 967
Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan sa sa kwarto ni Elliot at pumasok ang babae.
Dahil dito, nanlaki ang mga mata ni Avery sa sobrang gulat.
Hindi siya makapaniwala na kanina lang ay nakikipag landian sakanya si Elliot, tapos ngayon nagpapunta ito ng ibang babae sa kwarto nito?!
Hindi maintindihan ni Avery kung anong nararamdaman niya!
Magkatabing magkatabi lang ang mga kwarto nila at ang lakas naman ata ng loob ni Elliot na magpapunta ng ibang babae! ‘Akala niya soundproof ang mga kwarto dito na hindi ko maririnig kapag may ginawa sila?’
Dahil sa nangyari, biglang nawalan ng gana si Avery.
Galit na galit siyang bumalik sa loob ng kwarto niya at sinarado ng malakas ang pintuan.
‘Ha! Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kaduming lalaki!’
Naiinis siya sa sarili niya na masyadong naging mataas ang tingin niya kay Elliot na hindi nito kayang gumawa ng mga ganung klaseng bagay!
Sa sobrang galit ni Avery, namumula na ang buong mukha niya at literal na hindi siya

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.