Kabanata 110
"Ikaw… Bakit mo sinabi yun? Ano bang problema mo? Ang kapal ng pagmumukha mo!"
Sa sobrang galit ni Sonia, halos hingalin na siya. Hindi niya inasahan na magsasalita si Fane.
Isa siyang malayong kamag-anak ng Drake family. Alam yun ng lahat ng nasa kumpanya.
Yun ang dahilan kung bakit walang nagtatangkang galitin siya. Kahit yung dating manager ay hinihingi muna ang opinyon niya bago magdesisyon.
Para sa kanya, si Fane ay isa lamang hamak na sundalo, kaya wala siyang karapatan na pagsalitaan siya ng ganun.
"Pasensya na, pareho kasi tayo. Hindi kasi ako nakapag-aral at barumbado ako. Akala ko pinupuri kita!"
Nagkibit balikat si Fane at dinepensahan ang kanyang sarili.
Natawa ang karamihan sa mga empleyado noong marinig nila ang pag-uusap ng dalawa. Matalino at mahusay gumamit ng mga salita yung lalaking yun.
"Ikaw…"
Nagkulay asul ang mukha ni Sonia dahil sa sobrang galit, ngunit hindi na siya makasagot pa. Naghalukipkip na lamang siya at tiningnan ang bag na hawak ni Fan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.