Kabanata 1122
“Tama, tama, tama… Pumasok kayong lahat sa loob.. Pakiusap, tumuloy kayo!” Ilan sa mga elder ng Zimmer family ang nagpakita ng ngiti kay Fane at sa mga kasama niya, wala nang bakas ng pagmamalaki at pagkamuhi sa kanila.
Takot na takot silang nakatingin kay Fane.
Lalo na, ang isang master na katulad niya ay kaya silang patayin lahat kung nanaisin nito.
“Sige.” Tumango si Fane at sinundan sila sa loob.
Hindi nagtagal, nakaupo na ang lahat sa may sala.
At dahil sa hindi siya ang tipo ng tao na nagpapaligoy-ligoy, kaagad na panimula ni Fane, “Master Zimmer, ako nga pala si Fane Woods, at naparito ako dahil sa narinig ko na kakabili mo lang ng isang Snow Lotus. Nagkataon kasi na malubha ang karamdaman ng aking ama, at kailangan niya ang halaman na gamot na iyon, kaya naparito ako na umaasa na kung maaari ay ibigay sa akin ni Master Zimmer ang halamang gamot na iyon.”
“Ano kasi…” Mukhang nag-aalangan si Master Zimmer. Tinignan niya ang old madam, na nakahiga sa may sopa, at sinabi

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.