Kabanata 1228
Subalit, inirapan ng dalaga ang binata. “Anong sinasabi mo? Bakit ka naman niya ipapatawag kung interesado lang siya sa akin? Hindi naman kailangan, di ba? Sasabihan ka ba niya na panoorin kami habang pagsasamantalahan niya ako?”
Mapait na ngumiti ang binata. “Nag-aalala ako dahil sa may maganda kang mukha. Paano na lang kung ginawa lang pala ni Fane ang palusot na iyon dahil sa nasa harap siya kanina ng maraming tao—kasama na ang family master—at paalisin niya din ako pagkatapos natin makarating doon sa kanya mamaya? Paano kung iniisip niya na pumasok ka ng mag-isa sa kwarto? Hindi natin alam iyon!”
“Anong sinasabi mo? Hindi ganung klase ng tao si Young Master Fane!” Muling inirapan ng dalaga ang binata bago lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. “Maganda kung ang isang mapang-akin an lalake na katulad ni Young Master Fane ay may gusto sa akin…pero narinig ko na ang kanyang asawa ay ubod ng ganda.kita mo naman kung gaano kaganda ang Third Young Mistress ng Cabello. Sa

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.