Kabanata 1337
Lalo na’t ang lahat ng walong kalalakihang nasa harapan niya ay nasa true god realm, at dalawa sa kanila ay nasa intermediate stage. Malamang ay isa sila sa mga pinakamagagaling na kalahok ngayong araw .
Kaya kayab ni Fane na saluhin ang mga atake nilang walo nang mag-isa?
Ngunit isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang hinarap niya sila. Hinigpitan niya ang hawak niya sa itim na espadang nasa kamay niya habang dahan-dahan niyang binubuhos ang kanyang chi sa maliit na butas sa hawakan nito.
Hum!
Habang dumaloy ang chi rito, nagsimulang umugong nang nakakatakot ang espada. Nagnginig ang espada at lumakas ang aura ni Fane.
“Ang lakas ng aura niya. Pinalakas siya ng espadang iyon!”
Mabilis itong naramdaman ni Joshua at nagdilim ang kanyang ekspresyon.
“Kuya, di ba sabi mo hindi mapapalakas ng flying sword ang may hawak nito?”
Natakot si Conley pagkatapos niyang maramdaman ang bugso ng enerhiya mabilis siyang tumingin sa kanyang kuya para mapagaan ang kan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.