Kabanata 1380
“Ang sama talaga ng mga Hunt. Sisiguraduhin ko na makakarating sa family master ang tungkol dito pagkatapos nating makaalis sa lugar na ito ng buhay!” Singhal ng isang lalake na mula sa Lancaster family ng mapuno ng galit ang kanyang mga mata.
Sa sandaling iyon, ang Woods at Cabelo family ay kinolekta na ang lahat ng mga martial ring mula sa mga nakahandusay na katawan sa lapag.
“Paano natin paghahatian ang mga ito?” Nakasimangot si Fane habang nakatingin kay Helena.
Nakasimangot din si Helena, hindi alam kung paano hahatiin ang mga gamit na meron sila.
Kaagad na nanghimasok ang mga Lancaster at mapagkumbaba na sinabi, “Salamat sa pagligtas niyo sa amin. Hindi namin kukunin ang kahit na anong gamit, kaya paghatian niyo na lang!”
Pinag-isipan ni Helena ang bagay na ito ng ilang sandali bago sinabi, “Paano kung ganito, Fane: Sa pagkakataong ito, kayo ang makakakuha ng 60 porsyento habang kaming mag Cabello ang kukuha sa natitirang 40 porsyento. Sa hinaharap, bumuo tayo ng alyansa

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.