Kabanata 1429
Bumuntong-hininga ang First Elder habang nanlulumo siyang nagpaliwanag.
Sa sobrang galit ni Quentin ay nagngitngit ang ngipin niya. Nanginig sa galit ang katawan niya habang sumigaw siya, "Argh!"
Ngunit, hindi inasahan ng lahat na lilipad sa ere si Fane sa sandaling iyon at nakuha niya ang atensyon ng lahat.
Tumingin si Quentin kay Fane at tinanong siya, "Fans, bakit ka lumipad? Kilala mo ba ang pumatay sa anak ko?"
Tumingin sa kanya si Fane at nagsabing, "Nakikiramay ako, Master Hunt. Ang mga namatay na ay hindi na mabubuhay muli, at ikaw na mismo ang nagsabi ng ito ang patakaran ng paligsahan. Kailangang pasanin ng lahat ang resulta nito kahit na anong mangyari, tama?"
"Ikaw…" Galit si Quentin pero hindi niya alam kung anong sasabihin. Ito ang mga salitang paulit-ulit niyang sinabi sa lahat.
"Kung ganun, bakit ka lumipad, binata? Gusto mo bang kunin ang atensyon ng lahat?" tanong ni Trenton habang tinuro niya si Fane. Malaking bilang ng mga henyo ang nawala sa pamilya niy

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.