Kabanata 1460
"Paano kung ganito? Naiintindihan ko na magiging mahirap din ito para sa'yo, Grandmaster Collins. Hindi ko gustong gipitin ka. Lalo na't malaki ang magiging kahihinatnan kung mabubura ang buong Woods family. Tignan mo kung pwede ito para sa'yo. Tiyak na pupunta ang Woods family sa Seven Dangers. Makikibalita kami, at sasabihin ko sa'yo kung sa aling danger zone sila nagpunta!
"Pagkatapos mong pumasok sa danger zone at mahanap sina Nash, Fane, at ang kanilang First Elder na si Kenneth, tulungan mo akong patayin silang tatlo. Hindi naman masyadong mahirap iyon, tama? Palaging magulo ang lugar na iyon kaya hindi madaling makita ang kahit na sino. Hindi magiging problema kung papatayin mo silang tatlo!"
Nagpanggap si Lily na malalim ang iniisip bago ibinahif ang kanyang isipan, "At basta't patay na silang tatlo, tiyak na mananalo ang Lagorio family kung aatakihin namin ang Woods family. Hindi naman makakagulo sa'yo ang labanan sa pagitan ng reclusive families, tama?"
"May punto ka!"

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.