Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1720

Kaagad na napansin ni Hendrick kung gaano kabigat ang isyu at sobra siyang kinabahan. Sa gulat kung paano sinigaw ni Hendrick ang mga sagot niya, mabilis siyang pinatahimik ni Ella, "Hinaan mo ang boses mo, Kuya!" Sa sandaling iyon, sina Arthur at ang iba pa na naunang naglakad ay napahinto. Dahan-dahang lumingon si Arthur at nakakunot ang noong nagtanong, "Hendrick, anong sabi mo? Anong malaking isyu ang nangyari?"! Kaagad na hinawakan ni Hendrick ang ulo niya sa hiya. "Wala… Wala yun!" "Hindi, base sa ekspresyon mo, halatang nagsisinungaling ka." Kumunot ang noo ni Arthur at dahan-dahang naglakad papunta sa kanila. "Hendrick, mas mabuti kung sasabihin mo sa'kin ang totoo. Malalaman din namin to sa susunod!" Tinignan ni Hendrick si Ella at halatang nag-alangan. Kumunot rin ang noo ni Ella, hindi niya alam kung anong susunod na gagawin. Ngunit habang pinagngitngit niya ang ngipin niya, pinilit niyang ngumiti nang nahihiya. "Wala lang talaga yun. Sinabi ko sa kuya ko na para

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.