Kabanata 1918
Mula noong sinaunang panahon, ang mga panuluyan at restawran na ang pinakamagandang lugar upang kumalap ng balita. Ito ang dahilan kung bakit kumuha ng kwarto sila Fane. Bukod sa ilang pagkapareho, mayroon ring pagkakaiba sa pagitan ng mundong ito at sa mundo ng Cathysia.
Ang pagkakapareho nito ay bukod sa kultura ng martial art, ang ibang bahagi ng mundong ito ay ibang-iba sa mundo ng Cathysia. Ang kaibihan nila ay mas maunlad ang kultura ng martial art dito kumpara sa mundo ng Cathysia. Kahit ang mga martial skill at martial art technique ay ibang-iba kumpara sa Cathysia.
Ang panuluyan, mula sa labas at loob, ay isa lamang pangkaraniwang panuluyan.
Syempre, walang pakialam si Fane dito. Higit sa lahat, hindi siya nandito para magsaya. Ang Hestia Continent ay puno ng ibat ibang angkan, at ang laban sa pagitan ng mga ito ay hindi tumitigil. Ang lugar na ito ay mas delikado kumpara sa Cathysia.
Nabahala dito si Fane, naisip niya na hindi magiging madali ang kanyang paglalakbay.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.