Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2037

Ang halimuyak ng tsaa ay maamoy sa buong paligid ngunit halata naman na wala silang pakialam sa kung gaano kabango ang tsaa. Walang magawa si Noel kung hindi ang magsalita, “Sa bandang huli, lalaban pa din tayo sa digmaan. Paano naging mabilis ang pangyayari? Senior Brother Fane, may balak ka bang sumali sa labanan? Pwede kang makakuha ng malaking halaga ng contribution points kapag nagawa mong makapatay ng maraming tao sa kalagitnaan ng labanan.” Marami sa mga nandoon ay nakatingin kay Fane ng sabay nung narinig nila ang sinabi ni Noel. Desidisong umiling si Fane. “Totoo na makakakuha ako ng malaking halaga ng contribution points kapag tinanggap ko ang tungkulin na ito at umalis ng pavilion para patayin ang mga kalaban. Subalit, ang aking lakas sa mga sandaling ito ay hindi pa sapat para matiyak ang aking kaligtasan. Totoo na ang mga miyembro ng Muddled Origin Clan ay gustong patayin ang mga tao ng ating avilion, ngunit ang mga tao mula sa ating pavilion ay gusto din na mamatay ako.”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.