Kabanata 2092
Sila Dwight at ang iba pa ay kaagad umatras at sabay na ginamit ang kanilang true energy para harangin ang mga shock waves. Kumunot ang noo ni Jed at ang mukha niya ay namutla nung narinig niya na tumutunog ang kanyang attached spirit. Hindi siya makapaniwala na ang shock wave mula sa isang technique ay sapat na para basagin ang kanyang attached spirit. Mabuti na lang, ang shock waves ay hindi nagtagal at humupa din.
Isang sigaw ang bumasag sa katahimikan. Isang anino ang umaatras mula sa gitna ng kung saan nagsalpukan ang mga enerhiya, kasunod ang isang itim na punyal. Ang itim na punyal ay mabilis ang galaw. Sa sobrang bilis nito ay mukhang nag-teleport ito kung nasaan si Robin s isang kisapmata.
Nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Robin. Sinubukan niyang harangin ito gamit ng kanyang staff ngunit ang itim na punyal ay madali lang itong iniwasan at kaagad na sumaksak sa sikmura ni Robin. Ang sakit na kasunod nito ay parabang kinakain ng lason ang kanyang laman.
“Paano nangyari t

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.